Martes, Setyembre 15, 2015

Demand and Supply

And demand ay tumutukoy sa dami ng gustong bumili ng produkto and supply naman ay tumutukoy sa kung ilang ang maiibenta ng pamilihan.























Ang individual na demand ay nagbabago dahil sa presyo. Ang ugnayan ng presyo at demand ay di tuwiran. Ngunit sa pagbabago ng dami ng produktong bibilhin ay may ibatibang salik na nakakaapekto bukod sa presyo.Kahit hindi magbago ang demand  ay nagbabago bunga sa mga salik na ito:Panlasa,Kita,Bilang ng Mamimili,okasyon,Presyo ng kahalili,ekspektasyon,populasyon.
Mga salik na nakakaapekto sa Demand
  1. ANG PAGKAHILIG NG PILIPINO SA MGA IMPORTED NA PRODUKTO ANG ISA SA DAHILAN KUNG BAKIT MATAAS ANG DEMAND SA MGA ITO. ANG PAGKASAWA SA ISANG PRODUKTO AY DAHILAN DIN SA PAGBABAGO SA DEMAND NG KONSYUMER. DITO PUMAPASOK ANG PRINSIPYO AT DIMINISHING UTILITY KUNG SAAN ANG KABUUANG KASIYAHAN NG TAO AY TUMATAAS SA BAWAT PAGKONSUMO NG MGA PRODUKTO NGUNIT KAPAG ITO AY MAGKASUNOD-SUNOD, ANG KARAGDAGAN KASIYAHAN O MARGINAL UTILITY AY PALIIT NG PALIIT BUNGA SA PAG-ABOT SA PAGKASAWA SA PAGKONSUMO NG ISANG PRODUKTO.
  2. ANG SALAPI NA TINATANGGAP NG TAO KAPALIT NG GINAGAWANG PRODUKTO AT SERBISYO AY TINATAWAG NA KITA. ITO ANG BASEHAN NG PAGTATAKDA NG BUDGET SA PAMILYA. PINAGKAKASYA ANG KINIKITANG SALAPI SA PAGBIBILI NG MGA BAGAY NA KAILANGANG MATAMO.
  3. MAYROONG TINATAWAG NA SUBSTITUTE GOODS AT COMPLEMENTARY GOODS. ANG SUSTITUTE GOODS AY MGA PRODUKTO NA PAMALIT SA GINAGAMIT NA PRODUKTO. ANG PAGTAAS NG PRESYO NG PRODUKTO NA DATING GINAGAMIT AY NAGTUTULAK SA KONSYUMER NA HUMANAP NG KAPALIT NA PRODUKTO.
  4.  ANG POPULASYON AY POTENTIAL MARKET NG ISANG BANSA. ANG PAGDAMI NG TAO AY NAGLALARAWAN NG PAGDAMI NG BILANG NG KONSYUMER NA SIYANG NAGTATAKDA NG DEMAND. KAPAG MARAMI ANG KUMUKONSUMO NG MGA PRODUKTO AY TUMATAAS ANG DEMAND SA IBAT-IBANG PRODUKTO.
  5. SA PANAHON NGAYON NA MARAMING KALAMIDAD ANG MANGYAYARI SA IBAT-IBANG PANIG NG DAIGDIG AT SA ATING BANSA, MAY KAGULUHAN AT DIGMAAN SA PAGITAN NG MGA BANSA AT DI PAGKAKAUNAWAAN SA PAGITAN NG PAMAHALAAN AT MGA REBELDE, ANG MGA KONSYUMER AY NAG-IISIP NA MAARING MAAAPEKTUHAN ANG KABUHAYAN NG BANSA AT ANG PAGTAAS NG PRESYO AY MAARING MAGANAP. DAHIL SA GANITONG SITWASYON, ANG MGA KONSYUMER AY NAGPAPANIC-BUYING, LALO NA ANG MGA TAO NA MAY SAPAT AT LABIS NA SALAPI. BUNGAN NG GANITONG REAKSYON AT EKSPEKULASYON, ANG DEMAND SA MGA PRODUKTO AY TATAAS, KAYAT ANG PRESYO AY TATAAS DIN.
  6. SA KULTURA NG ATING BANSA, LIKAS SA ATING MGA PILIPINO ANG IPAGDIWANG ANG IBAT-IBANG OKASYON NA DUMARATING. PINAHAHALAGAN NATINANG MGA MAHAHALAGANG OKASYON SA ATING BUHAY, KAYA BAWAT SELEBRASYON, TUMATAAS ANG DEMAND SA MGA PRODUKTO NA NAAYON SA OKASYONG IPINAGDIRIWANG.
  7. ANG PAGBABA NG DEMAND AY NANGYAYARI BUNGA SA IBAT- IBANG SALIK MALIBAN SA PRESYO. 

At meron ding salik ang nakakaapekto sa Supply
1. Gastos sa Produksyon
2.Presyo na kaugnay na produkto
3.Pwersa ng kalikasan
4.Inaasahan ng negosyante

  • Gastos sa Produksiyon. Ang presyong itinakda sa bahay-kalakal sa kanilang produkto ay dapat na mas mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng tubo.
  • Presyo ng kaugnay na produkto. Kalimitan, ang mga bahay-kalakal ay may reaksiyon sa pagbabago ng kaugnay na produkto. Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng baka sa pamilihan. Asahang darami ang mag-aalaga ng baka kung sakaling bumaba ang presyo ng karne ng baboy o manok sa pamilihan. Kung anong pananim ang may mataas na presyo sa pamilihan, ito ay pagtutuunan ng pansin ng mga magsasaka.
  • Puwersa ng Kalikasan. Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakakatulong upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura. Asahan na mas mataas ang suplay kung may mainam na panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at iba pa pang natural na kalamidad, bumababa ang suplay lalo na produktong agrikultural.
  • Inaasahan ng mga Negosyante. May ilang negosyante na kapag inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay gumagawa ng mga ilegal na gawain tulad ng hoarding. Ang hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na ilalabas lamang sa pamilihan kapag mataas na ang presyo nito.